NGCP, ininspeksyon na ang mga nasirang transmission lines facilities sa South Luzon

Nagsimula na ang aerial at ground patrol ng mga tauhan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para makita at ma-assess ang lawak ng pinsala sa transmission lines sa South Luzon na sinira ng Bagyong Rolly.

Kabilang sa mga na-inspeksyon ang Calaca, Nasugbu 69kv lines na nasa ilalim ng Batangas Electric Cooperative (BATELEC 1) franchise.

Gayundin, ang Batangas-Rosario 69kv line, Batangas-Mabini-Cuenca 69kv line at Batangas-Taysan 69kv line sa ilalim ng BATELEC 2 franchise.


May mga naibalik ng supply ng kuryente sa ilang lugar sa Quezon at Batangas matapos ang restoration works sa limang transmission lines facilities.

Pero hanggang alas-9:00 kaninang umaga, 22 pang 69 kilo volt transmission lines ang hindi pa rin operational pati na ang 16 na 230 kilovolt lines at isang 350 kilovolt line.

Karamihan sa mga lalawigan na wala pang supply ng kuryente ay ang sineserbisyuhan ng BATELEC 1at 2, Meralco, First Bay Power Corp., QUEZELCO 1, CANORECO, CASURECO 1 at 2, SORECO 1 at 2 at APEC.

Karamihan din sa mga lugar na ito ay sa Bicol Region, Quezon Province at iba pang lalawigan sa Eastern Visayas.

Facebook Comments