Pinawi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pangamba sa posibilidad na pagkontrol at pag-shut down ng China sa power grid ng Pilipinas.
Giit ng NGCP, walang basehan at pawang espekulasyon lamang ang mga ito lalo na at mga Pilipinong personnel ang may kontrol sa kanilang pang-araw-araw na operasyon.
Siniguro rin ng NGCP na may sapat silang seguridad para hindi ma-access ang kanilang system.
Sinabi naman ni Energy Secretary Alfonso Cusi – dapat pang patatagin ang oversight functions ng bansa para masigurong hindi mangyayari ang pinangangambahan.
Ang NGCP ay nagpapatakbo at nagmimintina sa electricity grid ng Pilipinas.
Facebook Comments