NGCP, kinalampag sa madalas na rotational brown out sa Visayas at Mindanao

Manila, Philippines – Pinaaaksyunan ni Ako Padayon Partylist Rep. Adriano Ebcas sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at sa iba pang concerned agencies ang madalas na rotational brownout sa Visayas at Mindanao.

Kasabay ng panawagan na aksyunan ng NGCP ang madalas na kawalan ng suplay ng kuryente ay isinusulong din nito ang pag-amyenda sa Philippine Grid Code (PGC).

Ibinulgar ni Ebcas sa kanyang privilege speech na sumosobra sa itinakdang range ng voltage magnitudes ang power grid dahilan kaya nagkakaroon ng fluctuations sa suplay ng kuryente.


Nasira din ang ilang mga pasilidad dahil sa sobrang voltage magnitudes kaya apektado ang power distribution.

Giit ni Ebcas, hindi sana nangyari ang pang-aabusong ito kung may ngipin lang sana ang PGC partikular sa pagpaparusa sa mga lumalabag dito.

Dahil dito, pinamamadali ng kongresista sa NGCP, Department of Energy (DOE) at iba pang ahensya na aksyunan ang nasabing problema.

Facebook Comments