Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na may nakahanda silang tatlong helicopters para sa mga emergency na pangangailangan.
Sa harap ito ng pananalasa ng Bagyong Kristine kung saan may ilang lugar na sa Visayas at Bicol region ang nawalan ng supply ng kuryente.
Sa press conference ng Energy Department, tiniyak din ng NGCP na may sapat silang supply ng fuel para sa paglipad ng kanilang mga chopper sa mga lugar na higit na apektado ng bagyo.
Tiniyak din ng NGCP na may sapat silang supply ng diesel fuel para sa generator sets sa emergency cases.
Binabantayan din anila nila ang galaw ng bagyo para matukoy kung anong lugar ang unang rerespondehan.
Nakipag-ugnayan na rin ang NGCP sa power plants para sa protocols kapag may bagyo.
Samantala, kinumpirma ng National Electrification Administration (NEA) na umaabot na sa halos isang milyong piso ang halaga ng pinsala sa elektrisidad ng Bagyong Kristine.
Inaasahan anilang tataas pa ito dahil patuloy pa ang pananalasa ng bagyo.