NGCP, muling iginiit ang whole-of-industry approach sa pag-stabilize ng power supply kasunod ng multiple plant tripping na nag-isolate sa Panay grid

Muling ipinanawagan ng National Grid Corporation (NGCP) ang whole-of-industry approach, kasunod ng power outage na nag-isolate sa Panay Island sa ilang bahagi ng Visayas grid.

Nauna rito, maraming power plants sa Panay Island ang nagtamo ng multiple tripping noong January 2, kabilang ang tatlong malalaking power generating units.

Nakadagdag din sa mababang available power supply ang mga ginagawang maintenance shutdowns at ang pag-aayos na labas sa approved Grid Operating and Maintenance Program ng Department of Energy (DOE).


Inirerekomenda ng NGCP sa pamahalaan na maghanap ng pinakamabisang paraan para mapatatag ang power supply.

Dagdag ng Grid operator, dahil isinasaayos pa ang Panay sub-grid at dumidepende sa variable energy sources sa Negros kapag nagkakaproblema, mahalaga na mayroong sapat na non-variable sources para ma-stabilise ang system.

Tinitingnan din ng NGCP ang maitutulong ng Cebu-Negros-Panay Stage 3 project (CNP3) sa paghahanap ng solusyon sa manipis na power supply.

Facebook Comments