Nitong nakaraang August 11, pormal naibinigay ng NGCP ang apat (4) na bagong ambulansya sa ilang pampublikongospital sa iba’t ibang bahagi ng bansa bilang bahagi ng pagtugon at pagrespondesa COVID-19.
Nakatanggap ng tig-isang ambulansya angRizal Medical Center, San Lazaro Hospital, Ospital ng Sampaloc, at SiargaoDistrict Hospital bilang bahagi ng P1 bilyong donasyon ng NGCP sa mga Pilipino.Dagdag pa ito sa mga ambulansyang nauna nang ipinamahagi sa Philippine HeartCenter, Philippine Orthopedic Center, Philippine General Hospital, QuirinoMemorial Medical Center, at Binan Doctors Hospital noong July 5.
Kabilang sa mga nauna pang donasyon ng NGCPang mga kagamitang medikal at supplies gaya ng mechanical ventilators,ultrasound machines, x-ray machines, RT-PCR machines, SteraMist systems, hazmatsuits, face masks, face shields, and other personal protective equipment (PPEs),sanitizers, disinfectants, at non-contact thermometers sa mahigit 300 ospitalsa buong bansa. Nakatanggap din ng tulong ang Quezon City at Mandaluyong Cityna nabigyan ng 50 testing booths at nagsagawa rin ng 10,000 COVID-19 testing samga residente, habang nakatanggap ng 500 test kits ang Navotas City.
Nagbigay rin ng P10 milyon ang NGCP saProject ARK, isang inisyatibo para sa COVID testing sa pakikipagtulungan ngiba’t-ibang lokal na pamahalaan sa Metro Manila.
Ilan pa sa mga isinasaayos na donasyon ngNGCP bilang tugon sa COVID-19 ay ang apat na donning and doffing chambers atlimang isolation rooms sa mga piling pampublikong ospital.
Kabilang sa mga inisyatibo ng NGCP angpamamahagi ng grocery items sa 1,028 LGUs sa buong bansa, ang pagpapakain samga komunidad sa mahihirap na lugar sa pamamagitan ng programang Meals on
Wheels, at ang donasyon ng P5 milyon saProject Ugnayan na namahagi ng supermarket vouchers sa mga nangangailangangpamilya sa Metro Manila.
Ang NGCP ay isang pribadong kumpanyangPilipino na siyang namamahala sa operasyon, pagpapanatili, at pagpapalawak ngpambansang daluyan ng kuryente, sa pamumuno ng majority shareholders na sinaVice Chairman of the Board Henry Sy, Jr. at Co-Vice Chairman Robert Coyiuto,Jr.###
NGCP, nagbigay muli ng ambulansya sa 4 pang ospital
Facebook Comments