NGCP NAGDAOS NG CEREMONIAL SWITCH ON PARA SA P51.3B MINADANAO-VISAYAS INTERCONNECTION

Upang gunitain ang matagumpay na full energization ng Mindanao-Visayas Interconnection, isinagawa ng National Grid Corporation of the Philippines ang sabayang ceremonial switch on sa Maynila, Cebu, at Lanao del Norte na sumisimbolo sa pagsasanib ng grid ng Pilipinas at pagtatakda ng buong operasyon ng interconnection.

Isinagawa ang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang nitong Jan 26 kung saan pinangunahan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. maging sa Dumanjug Converter Station sa Cebu at sa Lala Converter Station sa Lanao del Norte.

Ang interconnection ay nilikha noong 1980s ngunit inabandona di umano ng gobyerno dahil sa mga hamon sa implementasyon. Nitong 2011 lamang ang NGCP bilang pribadong transmission concessionaire ay binuhay ang mga pag-aaral para sa feasibility ng nasabing proyekto. Base pa sa pag aaral, ang orihinal na eastern route na inisip ng gobyerno ay nagpakita ng mga teknikal na hamon at geophysical hazards.


Sa halip, pumwesto ang NGCP sa kanluran. Noong April 2017, inihain ng NGCP ang aplikasyon nito sa Energy Regulatory Commission upang simulan ang implementasyon ng MVIP kung saan ang proyekto ay inaprubahan noong July 2017 na may kabuuang halaga na PhP 51.3 Billion.

Ang MVIP ay binubuo ng 184 circuit-kilometer (ckm) High-Voltage Direct Current (HVDC) submarine transmission line na nag-uugnay sa mga power grid ng Mindanao at Visayas na may transfer capacity na 450MW na pwedeng mapalawak hanggang sa 900MW.

Kasama rin sa proyekto ang converter stations sa parehong rehiyon at mahigit sa 500ckm ng overhead lines upang mapadali ang daloy ng kuryente.

Facebook Comments