NGCP, naghahanda na rin sa posibleng epekto at pagtama ng Bagyong Tino

Todo na rin ang paghahanda ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa pagtama ng Bagyong Tino na posibleng makapinsala sa kanilang mga pasilidad.

Ayon sa kanilang power system operator, naglatag na sila ng mga plano para maibsan ang epekto ng Typhoon Tino sa kanilang operasyon.

Dagdag pa ng transmission service provider na kabilang sa kanilang paghahanda ang pagsigurong reliable ang kanilang communications equipment, availability ng kanilang hardware materials at mga suplay na kinakailangan sa pagsasaayos sa kanilang mapipinsalang pasilidad.

Kasama na rin dito ang pag-deploy ng line crews sa mga strategic areas na mangunguna sa restoration work ng mga maaapektuhang pasilidad ng NGCP.

Batay sa huling impormasyon ng Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA), lumakas pa at ganap nang typhoon ang Bagyong Tino.

Facebook Comments