NGCP naghahanda na sa Bagyong Odette

39

PUSPUSAN na ang ginagawang paghahanda ng NGCP, tagapamahala ng pambansang daluyan ng kuryente, upang mabawasan ang anumang masamang epekto na maaaring idulot sa mga pasilidad nito sa pagdating ng Bagyong Odette.

Kasama sa preparasyong ito ang kahandaan ng pasilidad ng komunikasyon, pagkakaroon ng mga kagamitang kailangan sa pagkukumpuni ng maaaring masirang pasilidad, at gayundin ang pagpuwesto ng mga line crews sa mga lugar na maaring daanan ng ng bagyo.

Ang mga hakbang at paraan na ito ay nakasaad sa Integrated Disaster Action Plan (IDAP) ng NGCP upang matiyak ang lubos na kahandaan ng kumpanya at mga pasilidad nito sa maaaring epekto ng pagdaan ng kalamidad.

Ang NGCP ay mayroon ding Overall Disaster Command Center na nagmomonitor ng mga gawaing ukol sa pagkukumpuni ng mga pasilidad at pagbabalik ng kuryente, mga pag-uulat at kaganapan mula sa mga rehiyong Luzon, Visayas at Mindanao, kung anumang rehiyon man ang apektado ng kalamidad.

Approved PR Tagalog Version of NGCP

Facebook Comments