NGCP, naghihintay ng approval sa ERC hinggil sa Visayas-Mindanao Interconnection Project

Dipolog, Philippines – Bilang suporta sa priority program ng gobyerno hinggil sa island interconnections, ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay magdadala ng power-sharing sa pagitan ng Visayas at Mindanao isang hakbang nalang patungo sa implementasyon.

Napag-alaman mula kay Ms. Elizabeth Ladaga, tagapagsalita ng NGCP Northern Mindanao na kamakailan isinumite na ng NGCP ang kanilang Visayas-Mindanao Interconnection Project (VMIP) application sa Energy Regulatory Commission (ERC).

Ang aplikasyon para sa provisional authority ay resulta sa NGCP-Commissioned Hydrographic Survey na ginawa noong September hanggang Novermber 2016.


Ang resulta ng survey ang mag-determina sa pinaka-viable na ruta simula Cebu at mag-terminate sa Dipolog City.

Anila, ito ang pinakamalaking proyekto sa history ng Philippine Power Industry.

Inaasahan ng NGCP ang potential impact nang nasabing proyekto hindi lamang sa mindanao kondi sa power stability ng bansa.

DZXL558

Facebook Comments