
Nagpatupad ng special operations ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa kanilang Overall Command Center para sa State of the Nations Address o SONA ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ayon sa NGCP, bahagi ito ng kanilang paghahanda para masigurong walang magiging aberya sa power transmission operations at facilities sa SONA ngayong taon.
Naglatag na rin ang NGCP ng mga contingency plan para i-monitor at agad matugunan kapag nagkaroon ng problema sa grid.
Tiniyak ng NGCP na may magmamando at magiging operational ang critical units partikular ang System Operations (SO) at Operations and Maintenance (O&M).
Ang mga Line crew, engineers, piloto, maintenance at testing, at iba pang technical personnel ay naka-deploy na rin sa mga NGCP substation na nakahandang rumesponde sa mga line trippings kung mayroon man.









