NGCP, nagsagawa ng mga blackout drills para paghandaan ang large-scale power outages na dulot ng mga sama ng panahon

Nagsagawa ng black out drills ang transmission operator ng pamahalaan na National Grid Corporation of NGCP upang paghandaan ang posibleng malawakang pagkawala ng kuryente o alinmang power system disturbances lalo na sa panahon ng kalamidad at sama ng panahon.

Magkakahiwalay na idinaos ang black out drill Luzon, Visayas, and Mindanao grids sa pakikibahagi na rin ng mga player sa energy sector, partikular ang mga nagpapatakbo ng mga generation plants.

Nakibahagi rito ang Department of Energy (DOE) and Energy Regulatory Commission (ERC), Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM), National Power Corporation (NPC), National Transmission Corporation (TransCo), Wholesale Electricity Spot Market (WESM), Philippine Electricity Market Corporation (PEMC) at Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP).

Kabilang sa mga isinagawa ay tabletop discussions at practical simulation exercises.

Isinailalim sa evaluation ang mga umiiral na communication protocols, ang bilis ng pagtugon sa sitwasyon at ng mga coordination efforts.

Magugunita na maraming power facilities ang naapektuhan sa sunod-sunod na mga bagyo at ng habagat na nagresulta upang mawalan ng kuryente ang maraming siniserbisyuhan ng mga electric cooperatives sa bansa.

Facebook Comments