NGCP, naka-standby na sa pananalasa ng Bagyong Nika

Nakahanda ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kasunod ng pananalasa ng Bagyong Nika.

Alinsunod na rin ito sa Integrated Disaster Action Plan ng NGCP upang tiyaking handa ang lahat ng kanilang transmission facility sa daraanan ng bagyo.

Ayon sa NGCP, nakahanda na ang mga kagamitan sa komunikasyon at sa pagkukumpuni ng mga mapipinsalang transmission facilities.


Naka-deploy na rin ang kanilang mga linemen sa mga istratehikong lugar para sa maagap na pagtugon upang agad maibalik ang suplay ng kuryente sa mga maaapektuhang linya

Facebook Comments