NGCP, nakaalerto na sa pananalasa ni Tropical Depression Pepito sa Luzon

Pinaghahandaan na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pananalasa ni Tropical Depression Pepito sa ilang lalawigan sa bansa.

Sa abiso ng NGCP, nagsasagawa na sila ng hakbang para mabawasan ang epekto ng bagyo sa mga transmission operations at pasilidad nito.

Kabilang dito ang pagtiyak na mayroong magagamit na communication equipment, sapat na hardware materials at supply na kailangan sa pagkumpuni sa masisirang pasilidad.


Nagpakalat na rin ang NGCP ng mga line crews sa mga strategic areas na agad makatugon sa anumang agarang restoration works.

Tiniyak din ng Integrated Disaster Action Plans ng NGCP ang kahandaan ng lahat ng mga pasilidad sa paghahatid ng kuryente na inaasahang maaapektuhan ng pagdaan ng sama ng panahon.

Facebook Comments