Matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette noong Disyembre 2021, agad-agad na namahagi ng tulong ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga apektadong komunidad.
Nagbigay ang NGCP ng tulong na nagkakahalaga ng P27.5 milyon.
Ito ay sa anyo ng relief packs, hot meals, mga sako ng bigas, mga bote ng tubig inumin, t-shirts, kumot, maging roofing materials para sa muling pagpapatayo ng mga nasirang bahay.
Ibinahagi ito sa mga lokal na pamahalaan sa Visayas at Mindanao para ipamigay sa mga apektadong pamilya.
Ang NGCP ay isang pribadong kompanyang Pilipino na siyang namamahala sa operasyon, pagpapanatili, at pagpapalawak ng pambansang daluyan ng kuryente, sa pamumuno ng majority shareholders na sina Vice Chairman of the Board Henry Sy, Jr. at Co-Vice Chairman Robert Coyiuto, Jr.