Tiniyak ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na mananatili ang operasyon ng mga transmission facility sa mga lugar na dadaanan ng Bagyong Odette.
Ito ang inanunsyo ng NGCP, kasunod ng mga kumakalat na ulat sa Eastern Visayas na puputulin ang transmission operations bago pa man manalasa ang bagyo.
Paglilinaw pa ng NGCP na hindi ito kailanman nagpapatupad ng preempted shutdown at pagpapaliban ng scheduled maintenance activities kapag may kalamidad tulad ng bagyo.
Hanggang kagabi, iniulat ng NGCP na nanatiling normal ang operasyon ng lahat ng transmission lines at facilities nito sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo.
Facebook Comments