NGCP: Pagkumpleto sa Hermosa-San Jose 500-(kV)line, pinigil ng Supreme Court

Tumalima ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa utos ng Korte Suprema na nagpapahinto sa ganap na pagkumpleto sa Hermosa-San Jose 500-kiloVolt (kV)line sa Bataan.

Naglabas ng Temporary Restraining Order ang Korte Suprema laban sa pagsakop at konstruksyon sa isang bahagi ng Hermosa-San Jose 500kV Line (HSJ) na pag-aari ng Phirst Park Homes, Inc. (PPHI).

Ayon sa NGCP, matapos matanggap ang kautusan ay agad ipinatigil ang mga ginagawang aktibidad sa Towers 170-178 ng linya.


Na-energize na ang HSJ noong Mayo 27, 2023 para ma-accommodate ang power generation mula sa Bataan.

Gayunpaman, ang pagbabawal ng hukuman ay makakaapekto sa natitirang mga gawain para sa ganap na pagkumpleto nito.

Sa kasalukuyan ay mayroon itong transfer capacity na 2,000MW, isang quarter na lamang ng buong 8,000MW na kapasidad ng Lines 1 at 2 ang hindi magawa dahil sa TRO.

Paulit-ulit nang nakikipag-ugnayan ang NGCP sa PPHI para maayos ang isyu nang maayos.

Facebook Comments