Leyte – Susubukan ng pamunuan ng National Grid Corporation of the Philippines na maibabalik ang supply ng kuryente sa mga apektado ng lindol sa Leyte sa katapusan ng Hulyo.
Ayon kay NGCP Spokesperson Atty. Cynthia Alabanza tatlong paraan o option ang kanilang gagawin upang tuluyang ng magkaroon ng supply ng kuryente ang mga apektado ng lindol sa Leyte.
Unang option umano na gagawin ng NGCP ay magkaoon ng energize ang Tranformer line 6 o T6 na maaaring masisimulan bukas pero ang problema umano ay ang mga dadaanan mula Cebu patungong Ormoc na magdadala ng maximum na 138 thousand kilovolts.
Ang option 2 naman na gagawin ng NGCP ay reconfiguration sa mga sirang linya at ang panghuli na option na gagawin nila ay may kukunin silang kuryente mula sa Cebu at Compostela dadaan sa Daang Bantayan may boltaheng 230kv patungong Ormoc Leyte.
Paliwanag ni Alabanza masyado umano kritikal ang testing kayat nag-iingat ang NGCP sa kanilang ginagawang pagbibigay ng supply ng kuryente at kapag bumagsak ang testing ay iko-convert nalamang nila ang mga boltahe ng kuryente na akma sa pangangailangan ng mga residente roon.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558