Umarangkada na ang pakikipag-usap ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga komunidad at pamahalaang lokal kaugnay sa kanilang Batangas Mindoro 230 Kilovolt Interconnection Project.
Matatandaang malaking problema sa Mindoro Province ang madalas na kawalan ng suplay ng kuryente sa naturang probinsiya.
Ayon kay National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) Spokesperson Atty. Cynthia Alabanza, suportado naman ng mga Local Government Unit (LGU) ang kanilang proyekto na sisikaping matapos sa katapusan ng December 2025.
Ito’y bagama’t aminado si Atty. Alabanza na may mga posibleng hamon silang kaharapin sa nabanggit na proyekto pero ginagawan na nila ito ng paraan.
Halimbawa na rito aniya ang usapin sa right of way at paglalakad ng mga permit sa lupang tatamaan ng kanilang ginagawang proyekto.
Kaya naman, ikalulugod aniya nila kung magpapakita ng buong suporta rito ang gobyerno lalo’t malaking problema sa Mindoro ang kuryente.
Paliwanag pa ni Alabanza, na sa pamamagitan ng Batangas-Mindoro Interconnection Project ay magkakaroon ng power supply ang Mindoro Island mula sa Luzon Main Grid.
Mababawasan din umano dito ang dependence ng Mindoro sa diesel plants at mahihikayat ang development ng renewable energy plants sa sa naturang isla.