NGCP, sinita ng isang mambabatas dahil sa nararanasang brownouts sa Luzon

Kinastigo ni AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP dahil sa paulit-ulit na nararanasang power interruptions sa Luzon.

Dismayado si Reyes na bigo ang NGCP na pigilan ang mga brownouts kahit batid nito na tumataas ang demand o konsumo sa kuryente tuwing summer.

Pinaalala rin ni Reyes na tag-ulan pa lang ay hinahanapan na niya ng kontrata sa ancillary services ang NGCP.


Ang ancillary services ay back-up power supply agreements sa mga power generation companies na alternatibong pagmumulan ng suplay ng kuryente sa oras na pumalya o magkaproblema ang regularly-contracted operators na nagsusuplay ng enerhiya.

Giit ni Reyes, mabilis sanang natutugunan ang surge o tumitinding demand sa elektrisidad kung ginawa ng NGCP at ng Energy Regulatory Commission ang kanilang mandato.

Facebook Comments