NGCP, tatalima sa kautusan ng DOE na lalagda sa mga kasunduan para sa backup power supply

Handang sumunod ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa kautusan ng Department of Energy (DOE) na pagtibayin ang ancillary services para matiyak na magkakaroon ng backup power supply.

Ayon kay NGCP Spokesperson Cynthia Alabanza, kailangan munang magsagawa ng capability test para maabot ang grid requirements.

Pero dahil sa direktiba ng DOE at Energy Regulatory Commission (ERC), itutulak nila ang ancillary services na kailangan sa pamamagitan ng firm contracting at sa pamamagitan ng open public bidding para sa mga kasalukuyang planta.


Tatalima aniya ang NGCP sa direktiba ng DOE ukol sa firm contracting.

Nakiusap si Energy Secretary Alfonso Cusi kay Alabanza kung papayagan na ng NGCP ang DOE at National Transmission Corporation (TransCo) na magsagawa ng audit sa transmission grid facilities.

Bago ito, sinabi ng NGCP na tataas ang singil sa kuryente kung susunod sila sa polisiya ng DOE para sa 100% firm contracting para sa ancillary services o power reserves.

Facebook Comments