NGCP, tiniyak ang kahandaan sa pagpasok ng panahon ng La Niña

Nakahanda na ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa pagpasok ng panahon ng La Niña.

Ayon kay NGCP Spokesperson Atty. Cynthia Alabanza, may nakalatag na silang mga plano at nakapagsagawa na rin sila ng “blackout drills”.

Kabilang sa hakbang ay ang mabilis na paglalabas nila ng impormasyon at gagawing aksyon sakaling may pasilidad sila na maapektuhan ng malakas na pag-ulan.


Ani Alabanza, inalerto na nila ang kanilang mga line personnel at pinapwesto na rin nila ang kanilang mga equipment.

Dagdag ni Alabanza, hindi na bago ang ganitong paghahanda dahil taunan nila itong ginagawa.

Facebook Comments