NGCP, tiniyak ang kahandaan sa pagtaas ng demand sa kuryente

Nakahanda umano ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na tumanggap ng karagdagang generation capacity kasunod ng pagkumpleto ng mga proyekto nitong magpapalakas sa transmission backbone.

Sa harap na rin ito ng lumalaking demand ng kuryente sa bansa.

Inaasahan kasing dodoble ang peak requirement ng bansa sa susunod na 12 taon.


Ayon sa NGCP, ang mga nakumpletong backbone projects ay nagbibigay-daan din para sa karagdagang generation capacity.

Kabilang sa mga natapos na proyekto ang Mariveles-Hermosa-San Jose 500kV Transmission Line, Cebu-Negros-Panay 230kV Transmission Backbone, Mindanao-Visayas Interconnection, at Mindanao 230kV Transmission Backbone extensions.

Naniniwala ang NGCP na kailangang doblehin ng bansa ang kasalukuyang power output nito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga power plant upang masiguro ang sapat na supply ng kuryente.

Facebook Comments