NGCP, tiniyak na hindi apektado ng mga malalakas na pag-ulan ang kanilang mga transmission lines sa Visayas

Nanatiling nasa normal na operasyon ang transmission facilities ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Visayas region.

Ito ang tiniyak ng NGCP sa kabila ng nararanasang pag-ulan sa rehiyon dulot ng epekto ng low pressure area at shear line.

Batay sa ulat may ilang araw nang nararanasan ang malalakas na ulan partikular sa Eastern Visayas.


Ayon sa NGCP, patuloy itong na naka-monitor sa sama ng lagay ng panahon at handa itong mag- activate sa Overall Command Center sa sandaling may banta sa transmission facilities.

Ang NGCP ang nag-o-operate at nagmimintina sa transmission network ng bansa sa ilalim ng concession agreement sa pamahalaan.

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kasalukuyang nakakaranas ng mga malalakas na ulan ang Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon at Northern Samar.

Inaasahan din na magpapatuloy pa ang mga pag-ulan bukas na makakaapekto sa bahagi ng Aurora, Quezon Province at Camarines Norte.

Facebook Comments