NGCP Tower pinasabugan sa Carmen, North Cotabato

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng North Cotabato PNP sa mga responsable sa pagpapasabog sa tore ng NGCP sa bahagi ng sa Purok 1, Brgy. Manarapan Carmen North Cotabato.

Inaalam rin ang tunay na dahilan ng insidente ayon pa sa tagapagsalita ng North Cotabato PNP Supt Bernard Tayong sa panayam ng RMN COTABATO.

Alas onse pasado kagabi ng pasabugan ng di pa natukoy na uri ng improvised explosive device ang apat na poste ng NGCP Tower 106.


Sa pagbagsak ng Tore, nagresulta ito ng halos pitong oras na kawalan ng suplay ng kuryente sa ilang bayan sa Central Mindanao kabilang na ang Cotabato City.

Kasalukuyang pahirapan pa rin ang pag aayos ng NGCP Tower na nasa liblib na bahagi ng Carmen.

Carmen PNP Pic

Facebook Comments