NHA, binigyan ng tulong pinansyal ang pamilya ng uniformed personnel na namatay sa labanan

Nagkaloob ng tulong pinansiyal ang National Housing Authority (NHA) sa isa pang pamilya ng uniformed personnel sa Mindanao na namatay sa labanan.

Ito’y sa ilalim ng Comprehensive Social Benefit Program ng NHA.

Pormal nang ipinagkaloob ng NHA Region 12 ang tseke na P100,000 kay Jeanelyn Velasco ng Koronadal City, asawa ng namatay na sundalo ng Philippine Army.


Sa ilalim ng programa, ang paggamit ng tulong pinansyal ay sadyang para sa pag-aayos o pagtatayo ng bahay depende sa pagpipilian ng namayapang miyembro ng pamilya bilang beneficiary ng uniformed personnel na namatay habang ginampanan ang kanyang tungkulin.

May nauna nang dalawang pamilya ng uniformed personnel na “killed-in-action” at “killed-in-police operation” ang nabigyan din ng P450,000 financial assistance ng NHA.

Facebook Comments