NHA, itinanggi ang pahayag ng KADAMAY ukol sa umanoy 1 billion pisong pondong hindi nagagalaw para sa pabahay

Manila, Philippines – Palaisipan sa National Housing Authority (NHA) kung saan nakuha ng grupong KADAMAY ang datos na may mahigit isang bilyong piso para sa proyektong pabahay ang hindi nagagalaw.

Ayon kay Engineer Victor Balba, inakala marahil ng militanteng grupo na hindi pa nagagamit ang pondo dahil may mga housing projects na hindi pa sumasailalim sa pre-qualify bidding.

Pero, halos obligated na o may nagma may-ari na sa mga nakahanay na housing projects. At wala pa rin nangyayaring bayaran dahil hindi pa nakukumpleto ang mga nakalinyang housing units.


Itinanggi rin ni Balba na may pinapaboran ang NHA.

Idinagdag ni Balba na hindi lamang tungkulin ng NHA ang implementasyon n proyektong pabahay kundi bunga ito ng pangkalahatang desisyon ng ibang sangay ng gobyerno alinsunod sa priyoridad.

Facebook Comments