
Sisimulan na ng National Housing Authority ang pagtatayo sa mga bagong pabahay sa Kidapawan City.
Kung saan nagsagawa na ng groundbreaking ceremony bilang hudyat ng pagsisimula ng nasabing proyekto na pinangunahan ni NHA Region XII Manager Engr. Zenaida Cabiles at mga lokal na opisyal.
Ang nasabing proyekto ay tatawaging Kidapawan Resettlemnt Project na may 134 na mga unit na magsisilbing permanente at ligtas na komunidad sa mga nasa high-risk at landslide prone areas.
Ang proyektong ito ay gagawin alinsunod sa Expanded Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (Expanded 4PH) Program ng pamahalaan.
Facebook Comments










