NHA, may pamaskong handog sa mga housing beneficiaries ngayong Christmas season

44

May pamaskong handog ang National Housing Authority (NHA) ngayong holiday season.

Sa inilabas na National Housing Authority Memorandum Circular noong October 9, dalawang buwang hindi muna maniningil ng bayad ng mga hulog o amortization o lease payments para sa mga residential account holders sa lahat ng mga NHA projects, ito man ay commercial o industrial.


Alinsunod na rin ito sa diwa ng Bayanihan to Recover as One Act na naglalayong tulungan ang mga NHA housing beneficiaries at mga commercial at industrial lessees na makabangon sa epekto ng pagbagal ng ekonomiya dahil sa pandemya.

Ayon kay General Manager Marcelino Escalada, sakop ng moratorium ang amortization payments mula November 1 hanggang December 31, 2020.

Muli na lang maniningil ang NHA sa January 1, 2021.

Facebook Comments