NHA, nagbabala sa publiko laban sa mga grupong gumagamit sa kanilang ahensya para makapangalap ng pondo

Binalaan ng National Housing Authority (NHA) ang publiko laban sa mga indibidwal o grupong gumagamit sa kanilang ahensya para makapagsolisit ng pondo

Ito ay matapos na makatanggap ng ulat ang NHA hinggil sa paggamit ng grupo sa kanilang tanggapan para makapanloko at makolekta ng pera.

Binigyang diin ng kagawaran na hindi nila ginagawa ang magsolisit para sa kanilang mga proyekto dahil may natatatanggap silang alokasyon mula sa pamahalaan.


Ang NHA ay nakatutok sa shelter production at hindi sa mga programa para sa mga kabataan na siyang pinapalabas ng mga scammer.

Hinikayat rin ng NHA ang sinumang makatatanggap ng solicitation mula sa nasabing grupo na agad ipagbigay alam sa kanilang tanggapan o sa mga awtoridad.

Facebook Comments