
Nakahanda na ang National Food Authority (NFA) na tumulong upang maibenta ng mga local governments unit (LGU) ang bufeer stock na pakakawalan ng NFA.
Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, bibigyan nito ng awtorisasyon ang National Housing Authority (NHA) na makapagbenta ng bigas sa mga LGU sa sandaling maaprubahan na ang National Food Security Emergency.
Abot sa 150,000 metrikong tonelada ng bigas na buffer stock ang nakahandang idispatsa ng NHA.
Nasa tatlong milyong sako na may tig-50 kilong bigas ang ilalabas ng NFA sa susunod na anim na buwan para dito.
Anya, uunahin ng NHA na mabigyan ng bigas ang mga lugar na may mataas na presyo nito.
Sinabi pa ni Lacson na kailangan na ring bumili ng NFA ng mga bagong aning palay sa halagang P23 kada kilo dahil sa susunod na buwan ng Pebrero ay anihan na ng palay.
Sa ngayon ay pumapalo sa P41 hanggang P59 ang kada kilo ng bigas sa Metro Manila.