NHA, pinabibigyan ng kapangyarihan na bawiin ang pabahay na hindi ginamit o inabandona

Isinulong ni Pinuno Party-list Representative Ivan Howard Guintu na bigyang kapangyarihan ang National Housing Authority (NHA) na bawiin ang housing unit na hindi ginamit o inabandona ng benepisyaryo.

Ang hirit ni Guinto ay nakapaloob sa inihain niyang House Bill 9258 na mag-aamyenda sa Presidential Decree 757 para maipasok ang probisyon para sa dagdag na kapangyarihan ng NHA.

Ang panukala ni Guinto ay tugon sa 2022 Performance Scorecard ng NHA- Estate Management Department na nagsabing umaabot sa 22,635-housing unit na naibigay na sa mga benepisyaryo ang hindi pa rin tinitirahan.


Ayon kay Guindo, para hindi masayang ang limitadong pondo ng pamahalaan ay mainam na ibigay na lamang ng NHA ang naturang mga pabahay sa ibang benepisyaryo.

Facebook Comments