NHA, tiniyak na tutulungan ang mga pamilyang biktima ng kalamidad sa ilalim ng EHAP

Makatatanggap ng tulong mula sa National Housing Authority (NHA) ang mga biktima ng kalamidad sa pamamagitan ng proyekto nitong Emergency Housing Assistance Program (EHAP).

Sa ilalim ng programa, binibigyan ng NHA ng agarang tulong pinansyal ang mga pamilyang nasalanta ng natural o man-made calamities.

Sinabi ni NHA General Manager Joeben Tai na plano rin niyang itaas ang kalidad ng pabahay ng NHA upang maging kasing ganda at kasing tibay ng mga tahanan ng pribadong sektor.


Gayundin ang pagkakaroon ng mga benepisyaryo ng sustainable community upang maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay.

Kaugnay nito, humihirit ang NHA chief sa kongreso na mabigyan ng pondo ang ahensiya upang maituloy nito ang EHAP at iba pang proyektong pabahay sa mga susunod pang taon.

Facebook Comments