NHCP, hihingi ng tulong sa DBM para sa pagsasaayos sa 3 simbahan na napinsala ng lindol

Hihingi ng tulong ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa Department of Budget and Management (DBM) para sa pagpapagawa ng tatlong simbahan sa Pampanga na nasira dahil sa 6.1 magnitude na lindol noong Lunes.

Ayon kay NHCP chairperson Rene Escalante, base sa kanilang pag-iinspeksyon tatlong simbahan sa Angeles City, Lubao at Guagua na naideklara bilang national historical landmarks ang nagtamo ng danyos dahil sa lindol.

Sa ngayon aniya ay inaalam pa ng kanilang hanay ang kabuuang halaga ng danyos ng mga simbahan.


Ipinasara na muna ng NHCP sa mga nangangasiwa ang tatlong simbahan para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga parokyano.

Nabatid na dahil deklaradong national historical landmarks ang tatlong simbahan kaya maaaring kumuha ng pondo sa General Appropriations Act para sa susunod na taon.

Facebook Comments