NHCP, umalma matapos gawing kontrabida ang bayaning si Lapu-Lapu sa isang Animated Film

Pumalag ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa paglalabas ng isang Animated Film sa spain tungkol sa paglalakbay ni Ferdinand Magellan.

Ito’y matapos gawing kontrabida sa pelikulang ‘El Cano and Magellan’ ang ating bayaning si Lapu-Lapu, na nanguna sa paglaban sa pananakop ng mga Kastila at pumatay kay Magellan noong 1521.

Ayon kay NHCP Senior History Researcher Ian Christopher Alfonso, si Lapu-Lapu ay sumisimbulo ng paglaban at paninindigan na ipagtanggol ang bansa mula sa mga mananakop.


Hindi rin tama kung paano ipinapakilala ang mga Pilipino sa pelikula na tila walang sibilisasyon.

Sinabi naman ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB, pinasilip na ng Local Distributor ang trailer ng pelikula subalit hindi pa nila nare-review ang pelikula.

Ipapaubaya na ng Malacañang sa MTRCB kung ipapalabas sa bansa ang Animated Film.

Facebook Comments