NI-LIFT NA | Ilang lugar na idineklarang walang pasok dahil sa sitwasyon ng bulkang Mayon, binawi na

Albay – Binawi na ng provincial government ng Albay ang work at class suspension sa mga apektadong siyudad at bayan dulot ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon.

Sa ipinalabas ni Albay Governor Al Francis Bichara, ni-lift na ang work at class suspension sa mga sumusunod na barangay:

Legazpi
Daraga
Camalig
Guinobatan
Ligao
Oas
Polangui


Habang walang pasok sa lahat ng antas sa Rinconada, Camarines Sur.

Nakadepende naman sa mga alkalde kung magdedeklara ng suspensiyon ng klase dahil sa ibinubugang abo ng bulkang Mayon.

Facebook Comments