NIA at DOE, pumirma ng kasunduan na gagamitin ang irrigation facilities para sa renewable energy

Lumagda ng kasunduan ang Department of Energy (DOE) at National Irrigation Administration (NIA) para maisulong ang paggamit ng renewable energy at mas maging accessible sa publiko.

Batay sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO), isinagawa ang pagpirma ng kasunduan nina DOE Undersecretary Sharon Garin at Director Marissa Cerezo at Engr. Eduardo Eddie G. Guillen ng NIA sa Malacañang kaninang umaga.

Ayon sa PCO ang kasunduang ito ay mahalagang hakbang ng pamahalaan para sa isinusulong na water security and sustainable resource management na nakabatay sa Executive Order No. 22, series of 2023.


Nakabatay rin sa nilagdaang kasunsduan ayon sa PCO pormal nang sinimula ng DOE at NIA ang kanilang partnership para mas mapaganda at madevelop ang renewable energy resources sa bansa sa harap ng layunin ng gobyerno na makapag generate ng 35 percent power mula sa renewable energy sources pagsapit ng taong 2030 at 50 percent pagsapit ng 2040.

Nakapaloob rin sa kasunduan na gagamitin ng DOE ang lahat ng NIA irrigation facilities at ang mga patuloy na ginagawa kabilang ang mga lugar na natukoy at nasa listahan ng future irrigation development facilities projects para sa magamit ng publiko na hindi maapektuhan ang operasyon ng NIA.

Facebook Comments