NIA CAGAYAN VALLEY, NAGSAGAWA NG OUTREACH ACTIVITY SA BAYAN NG SAN MARIANO

CAUAYAN CITY- Nagsagawa ng outreach activity ang National Irrigation Administration (NIA) Regional Office 2 sa bayan ng San Mariano, Isabela.

Ang aktibidad ay pinamagatang “Journey of Generosity” na may temang “It’s good to be blessed, but even better to be a blessing.”

Katuwang ang NIA RO2 sa aktibidad na ito ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Inter-NIA Region 2 Multipurpose Cooperative (INIAREMCO), at NIA Employees Association for Solidarity and Progress (NIAEASP).


Sa tulong ng mga partner na ito, nakapagbigay sila ng 50 bag ng grocery items, mga damit, sapatos, at 10 kilo ng bigas sa mga piling benepisyaryo.

Ang aktibidad na ito ay hindi lamang naglayong tumulong sa mga Indigenous Peoples (IP) at Indigenous Cultural Communities (ICC) sa San Mariano, kundi nagbigay din ng inspirasyon para sa sama-samang pagkilos at pagpapalaganap ng volunteerism.

Ang mga empleyado ay hinihikayat na yakapin ang diwa ng pagtulong sa kapwa at pagpapakita ng malasakit sa mga nangangailangan.ng pagkakataong magkaroon ng mas malusog na kinabukasan.

Facebook Comments