NIA, inilipat na sa Office of the President

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang paglipat ng National Irrigation Administration (NIA) sa ilalim ng Office of the President, mula sa Department of Agriculture (DA).

Batay sa Executive Order No. 69, inaatasan ang NIA sa ilalim ng pangangasiwa ng OP na imbestigahan, pag-aralan, at ayusin ang lahat ng irigasyon sa bansa alinsunod sa RA 3601.

Layon ng kautusan na i-streamline ang mandato ng mga ahensya para sa mas maayos na koordinasyon at mas episyenteng burukrasya.


Inatasan din ng Pangulo ang Governance Commission for Government-Owned or -Controlled Corporation (GOCCs) na pag-aralan ang balasahan sa NIA board of directors.

Sa ilalim nito, magiging bahagi ng NIA board ang isang representative sa OP, NIA Administrator, kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH), DA, at National Economic and Development Authority (NEDA), at isang representatine mula sa pribadong sektor na itatalaga ng Pangulo.

Ang eleksyon at appointment ng Chairperson, Vice Chairperson, at iba pang Board of Directors ay dapat naka-base rin sa RA 10149 o GOCC Governance Act of 2011.

Facebook Comments