NIA ISABELA IMO, NAGSAGAWA NG OUTREACH ACTIVITY SA IBA’T IBANG BAYAN NG ISABELA

Cauayan City – Nagsagawa ng outreach activity ang National Irrigation Administration (NIA) Isabela Irrigation Management Office (IMO) sa mga bayan ng Tumauini, Cabagan, Ilagan City, San Agustin, Sto. Tomas, Cauayan City, at Santiago City.

Ito’y para maghatid ng tulong sa 250 pamilyang naapektuhan ng bagyo.

Bilang mga nakaranas din ng epekto ng mga nagdaang bagyo, kabilang ang pagbaha at pinsala, nagkaisa ang mga empleyado ng tanggapan na gawing makabuluhan ang Pasko sa pamamagitan ng pagtulong sa mga pamilyang nangangailangan.


Sa halip na tradisyunal na palitan ng regalo, nag-ambagan ang mga empleyado upang makabili ng mga relief goods para sa mga nasalanta.

Ayon sa kanila, ang tunay na diwa ng Pasko ay makikita sa pagbibigay at pagtulong sa kapwa.

Ang inisyatibo ay magsisilbing paalala sa kahalagahan ng malasakit, pagkakaisa, at pagkakawanggawa ngayong Kapaskuhan.

Facebook Comments