CAUAYAN CITY- Idineklara bilang drug-free workplace ang NIA-Isabela Irrigation Management Office sa bayan ng Tumauini, Isabela.
Ito ay ginanap kahapon ika-18 ng Setyembre kung saan ikatlong pambansang ahensya ang naturang ahensya na nakakuha ng sertipikasyon bilang drug-free workplace mula sa Philippine Drug Enforcement Agency.
Naging posible ang adhikaing ito sa tulong ng Lokal na Pamahalaan ng Tumauini katuwang ang Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC).
Ang pagkilala na ito ay isang malaking hakbang tungo sa mas ligtas at mas maayos na kapaligiran sa trabaho.
Facebook Comments