NIA, minamadali na ang rehabilitasyon ng Bustos dam

Tiniyak ng National Irrigation Administration (NIA) na agad maisasayos ang nasirang rubber gate ng Bustos dam sa Bulacan.

Kasunod naman ito ng ginawang site inspection ng NIA regional office at mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan sa Rubber Regulator Dam sa Barangay Tibagan.

Ayon sa NIA, nangako mismo ang ITP Construction, Inc. Guangxi Hydroelectric Construction Bureau Co., Ltd. Consortium na gagawa na ng pansamantalang solusyon para maiwasang lumikha ng peligro ang sitwasyon.


Tiniyak ng kontratista na papalitan nila ang nasirang rubber gate.

Magugunita na sumasailalim sa rehabilitasyon ang Bustos dam nang masira rubber gate sa bay 5 nito.

Kung hindi agad maayos ang problema, pinangangambahang bahain ang Bustos, Plaridel, Pandi, Bocaue, Calumpit, Malolos, Guiguinto at Hagonoy.

Facebook Comments