
Kasunod ng pananalasa ng Bagyong Crising at habagat, nagsagawa na ng assessment ang National Irrigation Administration (NIA) sa mga irrigation project sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ang assessment ay pinangunahan ni NIA Administrator Engr. Eddie G. Guillen at tinukoy ang kasalukuyang status ng mga major dam na nasa ilalim ng pangangasiwa ng NIA.
Kasama rin sa isinailalim sa assessment ang mga irrigation project, canals, at iba pang istrakturang ginagamit sa irrigation system ng bansa.
Inatasan na rin ni Admin. Guillen ang bawat NIA Regional Manager sa buong bansa na magsumite ng kani-kanilang Typhoon Damages Report na natukoy mula sa kani-kanilag area of responsibility.
Facebook Comments









