NIA, posibleng balasahin ng Malakanyang

41
Posibleng balasahin ng Malakanyang ang mga opisyal ng National Irrigation Administration (NIA).

Sa harap ito ng sinasabing katiwalian sa naturang tanggapan.

Inihayag naman ng Office of the Cabinet Secretary na sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na pormal na reklamo sa nagbitiw na si National Irrigation Administrator Peter Tiu Laviña.

Tiniyak naman ng Office of the Cabinet Secretary na agad silang magsasagawa ng imbestigasyon, magsasampa ng kaso at posibleng magsuspinde ng NIA officials na mapapatunayang sangkot sa katiwalian.

Una nang nag-resign si Administrator Laviña para maisalba raw sa kahihiyan ang Pangulong Duterte.

Inakusahan si Laviña ng pagtanggap ng salapi mula sa sinasabing contractors na pinapaboran daw nito.



Administration, Peter Tiu Laviña

Facebook Comments