Nilinaw ng National Irrigation Administration (NIA) Region 1 na wala silang kinalaman sa proyektong pagpapatayo ng palikuran sa Sta. Maria, Ilocos Sur.
Ito ay matapos kuwestiyunin ng ilang mambabasa ang kanilang awtoridad sa nasabing proyekto.
Ayon sa opisyal na pahayag ng ahensya, ang contractor umano ay nagkamaling gumamit ng template mula sa kanilang dating proyekto ng NIA, na dapat sana ay para sa LGU Sta. Maria.
Sinimulan na ng nasabing contractor ang pagsasaayos at pagpapalit ng project billboards noong Nobyembre 15, 2025.
Nakasaad sa tala na ang proyekto, na may halagang ₱996,308, ay ipinatutupad ng LGU Sta. Maria at isasakatuparan mula Oktubre 24 hanggang Disyembre 8, 2025.
Facebook Comments









