NICA REGIONAL OFFICE 2, PATULOY ANG KONSTRUKSYON

CAUAYAN CITY – Patuloy pa rin ang pagpapatayo sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Regional Office 02 sa Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, Cagayan.

Ang gusali ay mayroong dalawang palapag kung saan iba’t ibang offices ang ilalagay sa unang palapag samantalang gagawing headquarters ang ikalawang palapag.

Pinondohan ang proyekto ng P.8.4 million pesos sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act (GAA).


Sinimulan ang konstruksyon noong ika-8 ng Abril ngayong taon at inaasahan itong matatapos sa unang quarter sa susunod na taon.

Facebook Comments