Nicko Falcis, nakitaan ng probable cause ng Taguig City Prosecutor’s Office

158

Nakitaan ng Taguig City Prosecutor’s Office ng probable cause sa kasong “estafa” at “credit card fraud” ang dating business partner ni Kris Aquino na si Nicko Falcis.

Sa Facebook account ni Kris – ibinahagi niya ang resolusyon ng Taguig City Prosecutor’s Office na ang “estafa” ay nagawa ni Falcis sa pamamagitan ng  “misappropriation of funds and conversion” at paglabag sa Republic Act 84-84 o Access Devices Regulation Act.

Pero na-dismiss naman ang kasong “qualified theft” na isinampa niya.

Sa press statement ng Divina Law Firm na naniniwala si Kris sa judicial system at lalabas din ang katotohanan.

Una nang nagsampa na 44 counts ng “qualified theft” si Kris laban kay Falcis sa mga prosecutor’s office ng Mandaluyong, San Juan, Makati, Maynila at Quezon City.

Facebook Comments