Nigeria, nagdagdag ng requirements sa Pinoy travelers

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang provisional quarantine protocols na pinatutupad ngayon ng Nigeria sa travelers kabilang na ang mga Pilipino.

Kabilang dito ang pagprisinta ng negative COVID-19 Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) result sa departure pre-boarding.

Kailangang gawin ang PCR test 96 hours bago ang departure ng pasahero o sa loob ng 72 hours pre-boarding.


Inoobliga rin ng Nigerian government ang mga pasahero o travelers na mag-register sa online national payment portal at bayaran ang gagawing repeat o second PCR test sa kanilang pagdating sa nasabing bansa.

Muli namang pinaalalahanan ng DFA ang mga Pinoy na makipag-ugnayan sa airlines at sa Embassies o Consulates ng Pilipinas bago magpa-book ng ticket sa kanilang departure.

Facebook Comments