NIGERIA SHOOTING INCIDENT | 14 patay, 12 sugatan sa pamamaril sa Nigeria

Omoku, Nigeria – Labing-apat ang patay habang labindalawa ang sugatan sa pamamaril sa isang simbahan sa Omoku, Nigeria.

Ayon sa mga pulis, katatapos lang ng misa nang mangyari ang pamamaril.

Nagsasagwa na ng manhunt operation ang mga otoridad para sa ikadarakip ng mga gunman.


Samantala, balik-kulungan na ang 30 inmates na nakatakas sa gitna ng nangyaring riot sa isang bilangguan sa Brazil nitong bagong taon kung saan siyam ang namatay.

Walumpung iba pa ang nananatiling at large.

Facebook Comments