NIGERIAN NATIONAL NA LABAS -PASOK SA KULUNGAN AT MAY DIPERENSIYA SA PAG IISIP, NAPATAY ANG TRICYCLE DRIVER DAHIL SA HINDI PAGKAKAUNAWAAN

595

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Arestado ang isang Nigerian National sa Dagupan City matapos nitong mapatay ang tricycle driver na nakaalitan nito dahil sa hindi pagkakaunawaan.

Nakilala ang suspek na si Emmanuelemeka Endukwe, trentay uno anyos at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Bolosan district, samantalang ang pagkakakilanlan ng biktimang na si Dennis Razo, residente ng Brgy. Lucao dito nasabing lungsod.


Sa naging imbestigasyon ng PNP, ang Nigerian National ay kasalukuyang nag-aaral dito sa lungsod at may sakit pa umano sa pag iisip.

Labas masok na rin umano ang suspek sa kulungan dahil sa kaliwa’t kanang panggugulo sa lungsod.

Ayon sa PNP Dagupan, habang namamasada ang biktima ay nagkapang-abot ang dalawa kung saan inalok pa niya ang suspek para sumakay sa kanyang ng tricycle ngunit nagkaroon pa ng hindi pagkakaunawaan.

Dahil dito bigla na lamang hinampas ng suspek ang biktima gamit ang isang bagay na kinuha nito sa tricycle ng biktima ngunit hindi pa ito nakuntento at ginamitan pa niya ng kanyang ulo para i-headbutt ng suspek ang biktima na naging dahilan upang ito ay matumba at mabagok ang ulo sa kalsada.



Isinugod pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead on arrival habang nasa kustodiya na ngayon ng PNP ang Nigerian National.

Facebook Comments